Home NATIONWIDE DFA: PH delegation sumama sa walkout sa UN vs Netanyahu

DFA: PH delegation sumama sa walkout sa UN vs Netanyahu

2
0

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo na kabilang ang delegasyon ng Pilipinas sa mga lumabas ng United Nations General Assembly hall habang nagsisimulang magsalita si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu noong Setyembre 24.

Ayon kay DFA spokesperson Analyn Ratonel, sumama ang Pilipinas sa walkout bilang pagpapakita ng pakikiisa sa panawagan para sa kapayapaan sa Middle East at pagtutol sa mga unilateral action na maaaring makasira sa kondisyon para sa kapayapaan.

Sinabi rin ng DFA na nababahala ang Pilipinas sa humanitarian crisis sa Gaza, sa isinusulong na E1 settlement plan ng Israel at sa patuloy na karahasan ng Israeli settlers sa West Bank. Ayon sa ahensya, nakaaapekto ang mga ito sa posibilidad na magkaroon ng makatarungan at pangmatagalang solusyon sa sigalot.

Muling iginiit ng DFA ang suporta ng Pilipinas sa two-state solution, kung saan kinikilala ang Israel at isang Palestinian state bilang magkahiwalay na estadong namumuhay nang mapayapa.

Dose-dosenang delegado ang nakitang lumabas ng bulwagan nang umakyat si Netanyahu sa podium. Tinawag naman ng Israeli leader na “moral cowards” ang mga delegadong nag-walkout habang ipinagtatanggol niya ang mga aksyon ng Israel sa rehiyon.

Nauna nang nagpahayag ang Pilipinas ng pagtutol sa E1 settlement plan at iginiit ang suporta nito sa karapatan ng Palestinian people sa self-determination. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here