Home HOME BANNER STORY DFA sa mga Pinoy sa SoKor: Manatiling kalmado sa kabila ng political...

DFA sa mga Pinoy sa SoKor: Manatiling kalmado sa kabila ng political tension

191
0

MANILA, Philippines – Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs-Office of Migration Affairs (DFA-OMA) ang mga Filipino sa South Korea na manatiling kalmado kasunod ng deklarasyon ng martial law sa nasabing bansa.

Ayon sa DFA, ang paalala ay inisyu ng Philippine Embassy sa Seoul sa mga Pinoy na naninirahan doon at mga bibisita.

Matatandaan na idineklara ni South Korean President Yoon Suk Yeol nitong Martes, Disyembre 4 ang martial law sa isang unannounced late night address na ipinalabas sa YTN, at sinabing ito ay upang sugpuin ang “shameless pro-North Korean anti-state forces.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na idineklarang muli ang martial law sa South Korea mula noong 1980.

Makalipas ang ilang oras, binawi rin ni Yoon ang pagdedeklara niya ng martial law matapos na magkasundo ang mga mambabatas na bumoto tutol dito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here