Home HOME BANNER STORY ‘Di pagdalo ni Digong sa confirmation hearing, pinayagan ng ICC

‘Di pagdalo ni Digong sa confirmation hearing, pinayagan ng ICC

156
0

MANILA, Philippines — Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag dumalo sa kanyang confirmation of charges hearing kaugnay ng kanyang war on drugs.

“The Chamber hereby grants the request; decides that the hearing on the confirmation of charges will be held in the absence of Mr. Duterte,” ayon sa ICC Pre-Trial Chamber I sa dokumentong may petsang Pebrero 20.

Inatasan din ng ICC ang kampo ni Duterte, ang ICC Prosecutors, at ang mga legal representative ng mga biktima na tukuyin kung alin sa mga dokumento ang maaaring ilabas sa publiko o dapat i-redact.

Nakaiskedyul ang confirmation of charges hearing sa Pebrero 23, 24, 26, at 27.

Nauna nang i-waive ni Duterte ang kanyang karapatang dumalo sa pagdinig, dahil sa ilang dahilan, kabilang ang hindi niya pagkilala sa hurisdiksyon ng ICC sa kanya.

Kamakailan, inilabas ng ICC ang Document Containing the Charges na inihain ng prosekusyon, kung saan pinangalanan ang mga umano’y co-perpetrators ni Duterte, kabilang sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Senator Bong Go, abogado Vitaliano Aguirre II, at mga dating opisyal na sina Vicente Danao, Camilo Cascolan, at Oscar Albayalde, at iba pa.

Batay sa government records, humigit-kumulang 6,200 drug suspects ang napatay sa anti-drug operations ng administrasyong Duterte, habang tinataya ng mga human rights groups na maaaring umabot sa 30,000 ang bilang ng mga namatay, kabilang ang mga hindi naiulat na kaso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here