ILOCOS SUR – Nagkakahalaga ng P1,960,000 ang fully grown marijuana plants na pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa tatlong taniman ng marijuana na nadiskubre nila sa bayan ng Sugpon ng lalawigang ito kahapon.
Nagsasagawa ng marijuana eradication operation ang mga pinagsanib ng grupo ng 2nd ISPMFC, PDEA RO1 ISPO, PDEA RO1 INPO, ISPDEU, 1st ISPMFC, PIDMU (KIMAT), Sugpon MPS, 101st RMFB1, 102nd RMFB1, 103rd RMFB1, PDEG SOU1, at PIT ISUR-RIU1 nang madiskubre nila ang tatlong taniman ng marijuana na may kabuuang lawak na 1,750 sq.m.
Nasa 9,800 na fully grown marijuana plants ang winasak ng mga awtoridad mula sa mga naturang plantation sites. Rolando S. Gamoso