Home TOP STORIES Dialysis Center Act isinusulong ni Villar

Dialysis Center Act isinusulong ni Villar

298
0

MANILA, Philippines – Isinulong ni Senador Camille Villar ang Dialysis Center Act na nag-aatas sa lahat ng pampublikong ospital sa bansa na magtayo ng dialysis ward at magbigay ng libreng gamutan para sa mga mahihirap na pasyente.

“Healthcare is a right, not a privilege. For our kababayans battling kidney disease, dialysis should not be out of reach. This bill ensures that no one is left behind, especially those in need,” ani Villar.

Patuloy na tumataas ng 15% kada taon ang kaso ng kidney failure, kung saan isang Pilipino ang namamatay kada oras. Umaabot sa ₱2,000–₱4,500 ang halaga ng bawat session, tatlong beses kada linggo—isang pasaning hindi kayang tustusan ng mga minimum wage earner.

Itinatakda ng panukala na lahat ng ospital ay dapat may dialysis unit sa loob ng dalawang taon, at ang DSWD ang tutukoy kung sino ang kwalipikadong indigent beneficiaries. Binigyang-diin din ni Villar, na Vice Chair ng Senate Committee on Health, ang kanyang mas malawak na adyenda sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan, kasabay ng paglulunsad ng CT scan, MRI machines, at connecting bridge sa Las Piñas General Hospital.

“This is only the beginning. I am committed to pursuing more reforms that will make healthcare a true pillar of national well-being,” dagdag pa ng senadora. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here