Home NATIONWIDE Dialysis coverage tumaas sa P1M kada taon – PhilHealth

Dialysis coverage tumaas sa P1M kada taon – PhilHealth

163
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang kabuuang financial assistance ay umabot na sa halos isang milyon piso bawat pasyente kasa taon.

Ito ay matapos ang dalawang magkasundo na pagtaas ng hemodialysis benefit package sa loob ng tatlong buwan ngayong 2024.

Sa pahayag na inilabas noong Okt. 14, kinumpirma ng health insurer na ang pagtaas sa hemodialysis benefits mula P4,000 kada session noong Hulyo sa P6,350 kada session nitong Oktubre.

Sinabi ng PhilHealth na sa pagtaas sa P6,350 kada session, ang isang CKD5 na pasyente ay kwalipikado na para sa maximum financial protection na P990,600 kada taon, mas mataas sa dating P624,000 kada taon sa P4,000 session rate.

Sa pamamagitan ng Circular No. 2024-0023, na nagkabisa noong Oktubre 7 , inanunsyo ng PhilHealth na ang miyembro at kanilang kuwalipikadong dependents na may chronic kidney disease stage 5 (CKD5) ay maari nang makakuha ng adjusted hemodialysis package sa anumang accredited dialysis facility sa kanilang lugar .

Nabanggit din ni Ledesma na sa kabila ng pagtaas ng reimbursement rate ng PhilHealth sa P4,000 kada session noong Hulyo 1, nakatanggap sila ng mga ulat ng mga pasyente na kailangan pang magbayad ng malaking halaga para sa kanilang mga dialysis session.

Kinilala rin niya ang pakikipagtulungan ng mga nephrologist at mga kalahok na dialysis center sa pagpapadali sa no co-payment arrangement.

Samantala, ipinahiwatig ng PhilHealth na ang mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang o premium na serbisyo na lampas sa minimum na pamantayan ng pangangalaga na nakabalangkas sa Circular ay sasailalim sa co-payment. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here