MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology laban sa posibleng DDoS o distributed denial of service traffic flood sa Nobyembre 5.
Sa isang advisory na naka-post sa X, sinabi ng DICT na maaaring makaranas ng pagbagal ang ilang website dahil sa traffic surge.
“This is not a data breach — no information will be stolen. The site is just overloaded!” ayon sa DICT.
Ang DDoS attack (Distributed Denial of Service) ay isang uri ng cyberattack kung saan maraming computer o device ang sabay-sabay na nagpapadala ng labis na dami ng trapiko sa isang website, server, o online na serbisyo.
Ang pangunahing layunin nito ay mapuno o ma-overload ang mga mapagkukunan ng target—tulad ng bandwidth, memory, o processing power—hanggang sa hindi na ito ma-access ng mga lehitimong user o tuluyang huminto sa pagbibigay ng serbisyo. RNT/MND