Home ENTERTAINMENT SALN ni Kiko, pinagdudahan; Sharonians, dumipensa!

SALN ni Kiko, pinagdudahan; Sharonians, dumipensa!

321
0

Manila, Philippines- Hindi na kataka-taka kung pinagdududahan man ngayon ang SALN ni Senator Kiko Pangilinan.

Ang SALN ay daglat ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

Among the senators, nanguna sa pagsusumite si Sen. Risa Hontiveros at nagsunuran na ang iba pa.

Partikular na sinisilip ang kay Kiko na aabot sa P26,866 million.

P21M ang personal assets ni Kiko at P5.85 ang limang properties.

Ikinumpara nila ito sa P244M SALN ni Senator Robin, hence pinaparatangang pakitang-tao lang ang sa mister ni Sharon Cuneta.

And speaking of whom, puwede raw bang ganoon lang kababa ang kay Kiko samantalang bilyonarya ang Megastar?

Buti na lang, dumepensa ang mga Sharonians saying na bukod ang assets ng mag-asawa.

May pre-nup daw ang couple kaya whatever properties they own ay hindi conjugal.

Ang maganda lang sa SALN ni Kiko, he has zero liabilities– in short, wala siyang pagkakautang.

Ang pagsusumite ng SALN ng mga pulitiko ay bahagi ng pagsisiyasat sa kanilang pamumuhay–kung dawit ba sila sa mga corrupt practices. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here