Home NATIONWIDE DICT naglunsad ng amnesty program sa mga kolorum na delivery rider

DICT naglunsad ng amnesty program sa mga kolorum na delivery rider

305
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Miyerkules, Agosto 27 na naglunsad ito ng nationwide amnesty program para sa mga hindi rehistrado o “colorum” delivery service providers para mapabilis ang formalization at regulasyon nito.

Sa kalatas ng DICT, pormal nitong ipinakilala nitong Agosto 26 ang Private Express and/or Messengerial Delivery Service (PEMEDES) online registration portal para maging mas mabilis, makabago at transparent ang registration ng mga delivery rider at operator.

Kasabay nito ay nanawagan ang kagawaran sa mga hindi rehistradong PEMEDES providers na samantalahin ang amnesty program upang maging legal ang kanilang operasyon nang walang parusa o multa.

Ang amnesty program ay tugon na rin sa lumalagong e-commerce at app-based logistics sector, na nagreresulta sa pagdami ng bilang ng mga informal delivery operator sa bansa.

Ayon sa DICT, ang mga benepisyo ng amnesty program ay ang mga sumusunod:

Walang penalty sa mga dating paglabag
Mabilis at digital ang pagproseso
Provisional Authority to Operate (PATO)
Legal recognition at mas malawak na market reach
At tulong sa mga maliliit na negosyo.

Sinabi pa ng DICT na sa pamamagitan ng PEMEDES application portal, wala na ang dating sistemang ng mahabang pila at katakot-takot na red tape. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here