MANILA, Philippines – Nakagawa na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng nasa 84 milyong digital national IDs na maaaring tanggapin bilang isang valid proof ng identification.
Ang mga digital ID na ito ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga mobile device na may internet connection.
Sa kalatas, sinabi ng DICT na ang rollout ng digital national ID ay isang tagumpay ni resigned secretary Ivan John Uy.
”Under his leadership, DICT successfully generated 84 million Digital IDs, allowing Filipinos to access essential services without relying on physical identification,” pahayag ng DICT.
”This initiative streamlined transactions across national and local government agencies, banks, and other financial institutions, making government services more efficient and paperless,” dagdag pa.
Sinabi rin ng DICT na hanggang noong Pebrero, nagamit na ang digital national ID sa mahigit 100 milyong transaksyon.
Ayon kay DICT Undersecretary for eGovernment David Almirol Jr., ang digital national ID ay maituturing na game-changer para sa digitalization efforts ng pamahalaan.
“The digital national ID is more than just an ID—it’s the foundation of a truly digital government. It enables seamless access to services, reduces red tape, and fosters trust between citizens and the government,” ani Almirol. RNT/JGC