Home ENTERTAINMENT Mega, P2.7B ang net worth; Greta, sunod sa pinakamayamang celeb!

Mega, P2.7B ang net worth; Greta, sunod sa pinakamayamang celeb!

Manila, Philippines – Iniulat ng isang pahayagan (hindi Remate Online) ang umano’y bilyong piso nang net worth ni Sharon Cuneta.

Ayon sa report, the country’s Megastar is ranked as the richest celebrity na aabot sa P2.7 billion ang naipundar.

Pumapangalawa raw si Gretchen Barretto na mababa lang nang P1 million ng net worth kesa kay Sharon–P2.6B.

Sumunod sa dalawang nabanggit na aktres ay si Bea Alonzo na may P1.1B–malayo kina Sharon at Gretchen.

Understandable naman ang financial standing ni Sharon dahil sa mga kinita nito bilang mang-aawit at aktres.

Puwèra pa ang mga na-acquire niyang properties mula nang magsimula sa showbiz.

In fairness to both Sharon and Greta, kapwa sila taxpayers at deklarado ang lahat ng kanilang mga assets.

Meanwhile, hindi rin kataka-takang certified billionaire na rin si Bea sa dami ng mga property at negosyong pinasok.

Sa hanay naman ng mga male celebs, nakahanay din sa mga bilyonaryo sina Willie Revillame at Vice Ganda.

All on the list ay nagtataglay ng common denominator–sipag, dedikasyon sa trabaho at malinis na kalooban.

No wonder. Ronnie Carrasco III