Home ENTERTAINMENT Diego, pumalag sa mga paratang ni Alexis!

Diego, pumalag sa mga paratang ni Alexis!

Manila, Philippines – Nakarating na sa kaalaman ni Diego Loyzaga ang ginawang paglantad ni Alexis Suapengco sa Instagram Stories nito.

Si Alexis ay ang pre-school teacher at yoga instructor na ina ni Baby Hailey, na lovechild ng aktor.

Ayon kay Alexis, pinalayas daw silang mag-ina ni Diego sa dahilang may iuuwi umano itong babae.

Alexis named the girl as Cecille Mendoza.

Nagbanta pa raw si Diego na walang aasahang sustento si Alexis para sa kanilang anak kung hindi nito buburahin ang mga ipinost niya sa

IG Stories.

Agad nag-react si Diego batay sa exposè ni Alexis.

Ayon sa Viva actor, hindi niya itatanggi ang mga salitang pinakawalan ni Alexis.

Pero tinitiyak niya na hindi niya ito pinagbantaan tungkol sa sustento sa kanilang mag-ina.

Ang totoo raw, sinabihan daw niya si Alexis na paano siya makapagbibigay ng sustento kung sisirain ni Alexis ang imahe niya?

Paano raw ang kanyang trabaho na lubos na maaaepktuhan considering na doon nga niya kukunin ang sustento para kay Alexis at sa bata?

Sa bandang hull, tiniyak ni Diego na: “The baby will definitely be taken care of!”

Wala namang reaksyon ang aktor kaugnay ng “bagong babae” na gusto niyang iuwi.

Maging ang pagpapalayas umano kay Alexis at sa kanilang baby ay walang reaksyon si Diego.

Kayo na, mga mambabasa, ang bahalang mag-isip kung sino kina Diego at Alexis ang mas dapat paniwalaan. Ronnie Carrasco III

Previous article177 parak kinasuhan sa droga
Next articleBaby food products na may dagdag asukal nais ipagbawal ng Senado