Home HOME BANNER STORY Diesel tataas ng P8.82/L; gasolina P4.88/L, kerosene P6.47/L

Diesel tataas ng P8.82/L; gasolina P4.88/L, kerosene P6.47/L

1
0

MANILA, Philippines — Malaking taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang nakaamba ngayong linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa pagtaya ng DOE, posibleng tumaas ng P8.82 kada litro ang diesel, P4.88 kada litro ang gasolina, at P6.47 kada litro ang kerosene.

Nauna nang sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na nakaapekto sa presyo ng langis ang pagsasara ng Petroline oil pipeline ng Saudi Arabia, na maaaring abutin ng tatlo hanggang limang linggo ang assessment sa pinsala.

Dahil sa laki ng inaasahang dagdag-presyo, sinabi ni Abad na maaaring hilingin ng DOE sa mga kumpanya ng langis na hatiin o staggered ang pagpapatupad ng taas-presyo upang mabawasan ang biglaang epekto nito sa mga motorista at konsyumer. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here