Home HOME BANNER STORY Digong dumepensa as panawagang secession

Digong dumepensa as panawagang secession

MANILA, Philippines- Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na hindi ilegal ang mungkahi niyang paghihiwalay ng Mindanao mula sa Pilipinas.

Sa panayam kay Atty. Salvador Panelo, sinabi ni Duterte na hindi ito nangangahulugan ng pakikipagdigma.

“[My proposal] is a legal process that will be brought to the United Nations [akin to that of] Timor Leste,” giit ni Duterte.

“They thought if you want to secede, it’s going to be a war. No. We are going to do it the legal way,” dagdag niya.

Ukol sa paglabag ng secession sa 1987 Constitution, sinabi ni Duterte, “It is not against the Constitution. It is outside the Constitution. Mag-secede ka nga e.” 

“It is based on the right of a free will of determination of the people,” dagdag ng dating Pangulo.

Sa panayam, inihayag ni Duterte na hindi niya ipinanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong President “Bongbong” Marcos Jr., na tinawag niyang drug addict sa rally sa Davao City iang linggo na ang nakalipas.

Aniya, ang tanging isyu njiya sa Pangulo ay ang kanyang aksyon sa Charter change.

Sinabi ni Marcos sa paggunita sa “Constitution Day 2024” sa Makati City na ang panawagang paghiwalay ng Mindanao ay “doomed to fail, for it is anchored on false premise not to mention a sheer constitutional travesty.”

“I strongly appeal to all concerned to stop this call for a separate Mindanao. This is a grave violation of the constitution,” pahayag ni Marcos.

Samantala, sa parehong interview, iginiit ni Duterte na hindi pahuhuli nang buhay kaugnay ng imbestigasyon ng International Criminal Court’s investigation sa mga pagpatay na iniuugnay sa kanyang war on drugs.

“Hindi nila ako mahuhuli talaga. Mahuhuli nila ako patay. Gusto man nila magtangaka pumasok, unahin ko sila muna. Ilan ba sila? Kayong mga sundalo tumabi muna kayo kasi hindi niyo naman ito away e,” ani Duterte.

“Wala namang jurisdiction ‘yang pumapasok na ‘yan e. Walang basis. Ano ang otoridad nila to come in and arrest people? Wala… ‘Pag puntahan nila ako arestuhin nila ako dito, magkabarilan talaga ‘yan. At uubusin ko ‘yang mga p— ina na yan,” patuloy niya.

Nitong Miyerkules, sinabi ng PNP na hindi nito ipatutupad ang posibleng arrest warrant na inisyu ng ICC laban kay Duterte dahil sa “question of jurisdiction.” RNT/SA

Previous articlePAGASA sa publiko: Magtipid ng tubig
Next articlePananabotahe sa demokratikong proseso ‘di papayagan ni Marcos