Home NATIONWIDE PAGASA sa publiko: Magtipid ng tubig

PAGASA sa publiko: Magtipid ng tubig

MANILA, Philippines- Nanawagan ang isang hydrologist nitong Huwebes sa publiko, partikular sa mag residente ng Metro Manila, na magtipid ng tubig sa patuloy na pagbaba ng dam levels.

Naobserbahan sa Angat Dam, na nagsusuplay sa 98 porsyento ng potable water sa Metro Manila sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, ang average drop na 0.9 meter sa water level nito mula Feb. 1 to 8, ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hydrologist Sonia Serrano sa isang panayam.

Ayon kay Serrano, karamihan sa water levels ng mga dam ay nasa downward trend mula Enero.

Hanggang nitong Feb. 8, ang water level sa Angat ay 209 meters, mas mababa ng 0.21 meter kumpara sa nakaraang araw; Binga sa 571.88 meters (mas mababa ng 0.62 meter); San Roque, sa 249.04 meters (mas mababa ng 0.27 meter); Pantabangan, 191.56 meters (mas mababa ng 0.27 meter); Magat, at 182.29 meters (mas mababa ng 0.38 meter), at Caliraya, sa 287.24 meters (mas mababa ng 0.16 meter).

Lahat ng dam ay mas mababa sa normal water levels ng mga ito, na 212 meters para sa Angat; 575 meters para sa Binga; 280 meters para sa San Roque; 221 meters para sa Pantabangan; 193 meters para sa Magat; 288 meters para sa Caliraya; 80.15 meters para sa La Mesa; at 752 meters para sa Ambuklao. 

Subalit, tumaas ang water levels ng La Mesa at Ambuklao sa nakalipas na 24 oras, kung saan umakyat ang lebel ng tubig sa La Mesa ng 0.10 meter sa 77.89 meters, at Ambuklao ng 0.02 sa 750.91 meters.

Nitong Enero, sinabi ng PAGASA na inaasahan na ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dam dahil sa nararanasang malakas na tropical cyclone ng bansa.

Nakaaapekto rin ang madalang na pag-ulan dahil sa El Niño is sa pagbaba ng dam water level.

“There is a huge difference between PAGASA’s forecast rainfall in the dams in February 2024 compared to February 2023,” wika ni Serrano.

“Turning off the faucet while brushing the teeth looks too simple, but will create a big impact when done altogether,” paalala ng opisyal.

Iminungkahi rin niya ang paggamit ng recycled water bilang pambuhos sa mga toilet, at pagbawas ng ginagamit na tubig para sa paliligo at paglilinis. RNT/SA