Home NATIONWIDE Digong nagluluksa sa pagkamatay ng kapatid

Digong nagluluksa sa pagkamatay ng kapatid

NAGLULUKSA ngayon si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at pamilya Duterte sa pagpanaw ng kapatid ng una na si Jocelyn Duterte-Villarica.

Sa ulat, ang kapatid ng dating Pangulo ay namatay araw ng Biyernes, Setyembre 29.

Personal na nagtungo sa bahay ng mga Villarica sa Cavite ang dating presidente, kasama si Sen. Christopher “Bong” Go.

Nakasama naman ng dating pangulo ang kanyang mga pamangkin at nagkaroon ng pribadong oras ng pagluluksa.

“Personal na nagtungo si Senator Bong Go kasama si Tatay Digong sa bahay ng kanyang yumaong kapatid sa CAvite,” ang mababasa sa official page ni Go.

Nabatid na kasama ni Ginang Villarica ang kaniyang pamilya nang ito ay bawian ng buhay.

“Nakasama ni Ma’am Jocelyn ang kanyang anak na si Bambino, si Vince, nurse at iba pang mga kasama nila sa bahay sa mga huling sandali nito,” ang nakasaad pa rin sa offiial page ng senador.

Samantala, hindi naman isinapubliko ng mga anak nito ang detalye ng burol at libing ng kapatid ni dating Pangulong Duterte. Kris Jose