Home HOME BANNER STORY Digong pormal nang kinasuhan ng ICC ng 3 counts of murder

Digong pormal nang kinasuhan ng ICC ng 3 counts of murder

295
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ng International Criminal Court (ICC) ang mga kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na sumasaklaw sa 78 biktima sa 49 insidente ng pagpatay at tangkang pagpatay kaugnay ng kanyang kampanya kontra droga sa Davao City at sa buong bansa.

Sa inilabas na redacted version ng “Document Containing the Charges” na nilagdaan ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.

“The actual scale of victimization during the charged period was significantly greater, as reflected in the widespread nature of the attack,” ayon pa sa prosekusyon.

Count 1: Siyam na insidente sa Davao City mula 2013 hanggang 2016 na may 19 biktima habang si Duterte ay alkalde.

Count 2: Limang insidente mula 2016 hanggang 2017 na may 14 “high-value targets” nang siya ay Pangulo.

Count 3: Barangay clearance operations mula 2016 hanggang 2018 na may 45 biktima, 43 ang napatay.

Ayon sa ICC, bumuo si Duterte at mga kasamahan ng isang “national network” ng mga state agent, asset, at hitman na kahalintulad ng Davao Death Squad.

Ilan sa mga biktima ay nasa “PRRD List,” kung saan nakakatanggap umano ang mga pulis ng covert reward mula ₱50,000 hanggang ₱1 milyon bawat patay depende sa antas ng target.

Binigyang-diin ng tribunal na ang mga pamamaslang ay “malawakan” at “sistematikong” isinagawa, kaya’t maituturing na crimes against humanity. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here