Home HOME BANNER STORY Digong sa 2025 elections: Ayoko na ng pulitika

Digong sa 2025 elections: Ayoko na ng pulitika

MANILA, Philippines – Iginiit ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa isang press conference sa Davao-based media na wala siyang planong tumakbong muli para sa posisyon sa gobyerno sa darating na midterm elections.

“I am telling you the truth, wala na ako,” sabi niya. “Maski ginusto ko man, pero hindi na kaya ng katawan ko. Why do I have to make some pretensions here.”

“Wala. Ayoko na. Ayoko na ng pulitika. Hindi naman ako nasusuka. i find it disgusting for me to still meddle in politics,” aniya pa. “Pagod na ako sa pulitika. Count me out.” RNT