MANILA, Philippines- Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang ipaliliwanag pa ukol sa drug war sa kanyang panunungkulan at wala umano siyang sapat na pera upang magtungo sa Manila upang humarap sa imbestigasyon ng Quad Committee ng House of Representatives (QuadComm).
Ito ay sa gitna ng pahayag ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, lead chairperson ng QuadComm, na hindi sinisilip ng mga panel na mag-isyu ng subpoena kay Duterte dahil sa paulit-ulit na pagtanggi sa imbitasyon ng komite.
Nauna nang sinita nina Reps. Benny Abante ng Manila at Stephen Paduano ng Abang Lingkod party-list si Duterte sa hindi nito pagdalo sa pagdinig nitong Huwebes gayung nauna niyang sinabi na dadalo siya pagkatapos ng Nobyembre 1.
“What is there to say? Or more to what I have said? Sinabi ko naman lahat. Ano po pa ang gusto ng mga gago?” ani Duterte sa press conference sa Davao city na tinutukoy ang pagdalo niya sa Senate inquiry sa drug war.
“Sipain ko sila. T*ng*n*. Pera nila [ang gagastusin?] Wala na akong pera eh. Magpamasahe ako roon? I am living on my retirement pay. Wala akong extra money nasa bangko. Lahat sweldo ko yan, pati retirement ko. Sila pa ang galit ngayon?” dagdag ni Duterte.
“In fairness to the idiots, wala akong [nakuhang] notice na pupunta ako ngayon. You don’t scare me. Galing na ako pagka-presidente. Huwag nila akong ganunin. Galing na ako sa Congress. Mayor ako, congressman ako, Presidente. Do not give me that sh*t,” aniya pa.
Tugon naman ni Barbers sa hiwalay na press conference, “We perfectly understand his sentiments. It’s his right. And as former President, we respect his views on our invitation to come before the QuadComm.”
“In deference to him being the former President, we still will accord him all the necessary courtesy that we can extend to him for being the former President,” patuloy ni Barbers.
Aniya, kapag hindi nakakadalo ang resource person sa ilang pagdinig ng House committee, nag-iisyu ng show cause order.
Kasunod nito ay ang subpoena. Sakaling dedmahin pa rin ito, maaaring ma-contempt ang resource person at maditene.
“Yun naman po ang dapat. At yan po ay hindi labag sa ating rules. Kung sakali naman po na may kakulangan sa mga impormasyon na nakalap ng committee, maaari po sila magtanong diretsa o diretso doon sa mga taong gusto nilang interviewhin, na may kinalaman doon sa mga iniimbestigahan namin,” pagtitiyak ng mambabatas.
“Maaaring ma-terminate na namin yung investigation diyan sa Pogo. Doon sa (Committee on) Public Accounts, ‘yung mga lupa na binili ng mga foreign nationals. I cannot really honestly say hanggang kailan but I am looking at before the end of the year,” dagdag niya. RNT/SA