Home ENTERTAINMENT Ara, napilitang ibenta ang gown kay Boss Toyota!

Ara, napilitang ibenta ang gown kay Boss Toyota!

Manila, Philippines – Hangga’t maaari ay ayaw sanang magbenta ng gamit ni Ara Mina.

Aminado kasi siyang isang sentimentalist.

But the actress had no other choice but to sell her red gown to Boss Toyo.

Hindi lang basta gown ang inialok niya sa kilalang buyer ng mga memorabilia ng mga showbiz celebrities.

The red gown with backless style na pag isinuot ay kita na ang puwet ay ginamit ni Ara sa pelikulang Mano Po noong 2002.

Sa nasabing pelikula nakakuha si Ara ng kanyang kauna-unahang Best Actress award.

At saan naman gagamitin ni Ara ang mapagbebentahan ng kanyang nag-trending na gown, na kahawig ng mga isinuot noon nina Beyonce at Kim Kardashian?

Aniya, ipagpapagawa raw niya ‘yon ng assistance center para sa mga Persons With Disability o PWDs.

Isa na nga rito ay ang kanyang kapatid na may Down Syndrome.

Makakatulong daw ang itatayo niyang assistance center para sa therapy at gamutan ng mga taong may kapansanan.

Si Ara na rin mismo ang nagsabing lang beses na raw may interesadong bumiling pulang gown niyang ‘yon pero tumanggi.

May purpose naman daw pala ang pagbebenta niya nito ngayon.

By the way, Ara is running for Councilor in Pasig City. Ronnie Carrasco III