Home HOME BANNER STORY Digong sa Senado sa 2025, posible – Bato

Digong sa Senado sa 2025, posible – Bato

MANILA, Philippines — Maaaring tumakbo sa Senado si dating pangulong Rodrigo Duterte sa 2025 midterm elections kung magpapatuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC), ayon kay Senador Ronald dela Rosa nitong Huwebes, Enero 4.

Sinabi ni Dela Rosa, sa isang virtual interview, na ang posibleng kandidatura ni Duterte ay inihihirit ng ilang kapwa miyembro ng PDP-Laban, bagama’t hindi pa rin ito napagdesisyunan ng dating pangulo.

“Isa ‘yan sa posibilidad, pwedeng mangyari, kasi naririnig ko na ‘yan sa meeting-meeting namin eh, lahat ng mga, majority ng aming kasamahan sa partido ay gustong tumakbo si Pangulong Duterte,” ani dela Rosa sa reporters.

Sa kabilang banda, sinabi ni dela Rosa na nasa Pangulo pa rin ang final say ukol dito at hindi umano tatakbo ang dating presidete sa Senado para humingi ng proteksyon sa anumang posibleng resulta ng imbestigasyon ng ICC.

Sina Dela Rosa at Duterte ay kabilang sa mga respondents sa mga reklamong inihain sa ICC, dahil sa umano’y paggawa ng mga krimen laban sa sangkatauhan sa panahon ng pagpapatupad ng giyera laban sa ilegal na droga.

“Pero sa kanya (Duterte) lang is siguro, just to make sure na he can still contribute […] towards nation-building ng ating bansa,” ayon pa sa senador. RNT

Previous articleP525-M Super Lotto jackpot mailap pa rin
Next articleTaiwan, nagdonate ng 1,000 MT ng bigas sa Pinas