Home NATIONWIDE Taiwan, nagdonate ng 1,000 MT ng bigas sa Pinas

Taiwan, nagdonate ng 1,000 MT ng bigas sa Pinas

NAG-DONATE ang Taiwan ng 1,000 metric tons (MT) ng milled rice para magsilbing karagdagang suplay sa “relief at pro-poor programs” ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).

Tinurn -over ni Taipei Economic and Cultural Office (TECO) in the Philippines Representative Wallace Chow ang donasyon kay Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Bello III sa isang seremonya sa Makati, araw ng Huwebes.

Kinilala ni Chow ang Pilipinas bilang “most vulnerable countries” na nakakayanan ang bigat ng climate change.

“The issues on food security and food safety have never failed to take center stage of attention, especially when it involves humanitarian concerns caused by natural disasters, or escalating violent conflicts happening around the world,” anito.

Sinabi pa ni Chow na ang TECO ay magdo-donate ng 2,000 metriko tonelada ng bigas sa kabuuan, para sa first batch.

Ang donasyon ay bahagi ng nagpapatuloy na inisyatiba ng TECO sa Pilipinas, kabilang na ang operasyon ng Taiwan Technical Mission on Agriculture sa Tarlac, Mushroom Demonstration Farm sa Baguio, at Filipino Young Farmers Internship Program sa Taiwan.

Samantala, dumalo rin sa seremonya ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA). Kris Jose

Previous articleDigong sa Senado sa 2025, posible – Bato
Next articleP50 minimum na pamasahe sa dyip, walang basehan – DOTr