Home HOME BANNER STORY P50 minimum na pamasahe sa dyip, walang basehan – DOTr

P50 minimum na pamasahe sa dyip, walang basehan – DOTr

156
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes, Enero 4, ang mga alalahanin sa napaulat na posibleng pagtaas ng pasahe sa mga jeepney dahil sa epekto ng PUV Modernization Program (PUVMP).

“Atin pong binibigyan ng paalala ang atin pong mga commuters, iyong mga naririnig po natin na magkakaroon po ng 300 to 400% na increase ay wala pong batayan at hindi po inaasahan ang ganitong taas-pasahe sa consolidation at PUV Modernization Program,” ani DOTr Undersecretary Timothy John Batan sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon.

Dagdag pa niya na ang alin mang taas-pasahe ay kailangang sumailalim muna sa proseso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nitong Miyerkules, nagbabala ang grupo ng mga commuters na PARA-Advocates for Inclusive Transport sa P50 na minimum na pamasahe para sa mga modernong jeepney kasunod ng pagpapatupad ng PUV modernization program ng gobyerno.

“Meron tayong malaking cost ng modernization. Hindi lang ito yung unit, kasama rito yung garahe, fees sa paggagawa ng coop, pagha-hire ng mekaniko at marami pang iba,” ani Edrich Samonte, ang convenor ng grupo.

“Ang basehan po natin sa pagtaas ng pamasahe dahil kailangan pong magbayad ng operator ng utang. ‘Yung driver po kailangang kumita ng sapat para may mapangkain,” giit pa niya.

Sa kasalukuyan, ang minimum na pamasahe ay P13 para sa tradisyonal na jeepney at P15 para sa modernong jeepney.

Nauna rito, iniulat din ng non-profit organization na IBON Foundation ang posibleng 400% na pagtaas ng pamasahe sa jeep dahil sa PUVMP. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here