MANILA, Philippines – Ibinabala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mas paiigtingin nila ang pagpapatupad ng Safe Cities Plan.
Sakop nito ang pagbabawal sa pag-iinuman sa kalye, videoke na lampas ng alas-10 ng gabi at ang paglabas ng mga menor de edad kapag lampas na sa curfew.
Ang paglulunsad ng “Safer Cities Initiative” sa Metro Manila ay para paigtingin ang seguridad at kaayusan sa mga komunidad. RNT/JGC