Home NATIONWIDE DILG nagbigay ng 3-week transition period sa mga nanalong opisyal sa BSKE

DILG nagbigay ng 3-week transition period sa mga nanalong opisyal sa BSKE

MANILA, Philippines- Binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG)  ang mga nanalong opisyal sa katatapos lamang na 2023 barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE)  ng three-week transition period.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, “Ang transition period na binibigay natin ay three weeks. Merong three weeks para maging natural ang transition dito.”

“Kunwari na-proklama ka pa, hindi ka pa nag-o-oath, puwede kang mag-oath within three weeks para proper,” dagdag na wika ni Abalos.

Matapos manumpa sa kani-kanilang tungkulin, pinayuhan ni Abalos ang mga bagong opisyal na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang  DILG officer para sa tamang turnover ng mga  property.

“Ayaw po nating magkagulo,” aniya pa rin.

Nauna rito, nananawagan ang Commission on Election (Comelec) na magkaroon ng isang linggong transition period bago maupo sa opisina ang mga naiproklamang opisyal ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito ang posisyon ng Comelec matapos ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang postponement ng BSKE.

Sinabi din ni Chairman Garcia na nakipag-usap na siya kay DILG Secretary Benhur Abalos kung maaaring pag-aralan ng DILG na magkaroon ng transition period.

Dagdag ni Chairman Garcia, kung mauupo agad ang mga naiproklamang nanalo ay maaaring magkaroon ng kaguluhan dahil kailangan din na mailipat nang maayos ang mga kagamitan, pondo at mga dokumento. Kris Jose

Previous articleVP Sara nakiisa sa paggunita sa All Saints’ Day
Next articleUndas binulaga ng dagdag-presyo ng LPG