Home NATIONWIDE Undas binulaga ng dagdag-presyo ng LPG

Undas binulaga ng dagdag-presyo ng LPG

MANILA, Philippines- Asahan na ang mas mataas na presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Nobyembre, ayon sa abiso ng Petron Corp. nitong Martes.

Inihayag ng Petron na kasado P0.45 kada kilong dagdag sa presyo ng household LPG nito, epektibo ngayong Miyerkules, Nobyembre 1 pagsapit ng alas-12:01 ng hatinggabi.

Nangangahulugan ito ng P4.95 dagdag sa presyo ng tipikal na 11-kilogram LPG tank.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of November,” anang Petron.

Hindi pa nag-aanunsyo ang ibang kompanya ng LPG price adjustments para sa Nobyembre. RNT/SA

Previous articleDILG nagbigay ng 3-week transition period sa mga nanalong opisyal sa BSKE
Next article3,838 maagang dumalaw sa Libingan ng mga Bayani