Home METRO 3,838 maagang dumalaw sa Libingan ng mga Bayani

3,838 maagang dumalaw sa Libingan ng mga Bayani

MANILA, Philippines- May kabuuang 3,838 bisita ang nagtungo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ngayong All Saints’ Day, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Batay ang datos sa tala ng AFP hanggang mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga nitong Miyerkules.

Sinabi pa AFP, na nangangasiwa sa lugar, na 1,171 sasakyan din ang naitala sa libingan.

Nagpapatrolya rin ang mga yauhan ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sa bisinidad.

Subalit, hindi pa matukoy ang eksaktong bilang ng nakatalagang tauhan.

Batay sa datos ng AFP, mayroong 14,681 vbisita at 3,897 sasakyan na naitala mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi nitong Martes.

Bukas ang Libingan ng mga Bayani mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Hanggang nitong October 28, 2023, iniulat ng AFP na may kabuuang 53,458 nakalibing sa sementeryo, kabilang ang mga namayapang tauhan ng army, air force, at navy, maging mga beterano, national artists, at siyentipiko. RNT/SA