Home NATIONWIDE Honoraria ng mga guro para sa BSKE ipamamahagi ‘gang Biyernes

Honoraria ng mga guro para sa BSKE ipamamahagi ‘gang Biyernes

MANILA, Philippines- Ipamamahagi ng Commission on Elections (Comelec) ang honoraria ng mga guro na nagsilbi sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) hanggang Biyernes, ayon sa isang opisyal.

Makatatanggap ang electoral board members ng ₱6,000 para sa chairman at ₱9,000 para sa mga miyembro, ayon sa updated Comelec honoraria.

Nauna nang sinabi ni Garcia na nagdesisyon ang poll body na dagdagan ang honoraria dahil mas mahabang oras ang gugugulin ng mga guro upang makumpleto ang manual tallying ng mga boto.

Makatatanggap naman ng kompensasyon ang mga guro na nagtamo ng injury na nagkakahalaga ng ₱200,000 hanggang ₱500,000, ani Garcia nitong Martes.

“Pinapasubmit na po namin sa lahat ng regional directors namin sa Comelec yung listahan ng mga teachers na medyo kinakailangan namin bigyan ng financial support,” wika ng opisyal. RNT/SA