Home METRO Kelot nahulog sa lagusan sa MNC, sugatan

Kelot nahulog sa lagusan sa MNC, sugatan

Larawan kuha ni Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Isang lalaki ang nasaktan nang mahulog sa hagdan na nagsisilbing lagusan o lusutan ng mga tao malapit sa gilid ng Manila North Cemetery.

Ito ang hagdanan na dinaraanan ng mga nag-short cut mula sa Quezon City at Caloocan.

Nahulog ang lalaki nang madulas sa paghakbang sa mga nitso kung saan posibleng dumaan sa short cut dahil siya ay mula sa Caloocan.

Kaugnay nito, mahigpit na pinababantayan na sa mga tauhan ng MPD ang gilid at dulo ng Manila North Cemetery pang walang makadaan sashort cut.

Pinatanggal na rin ang hagdan upang hindi na maulit ang insidente.

Tuloy-tuloy naman ang pagdagsa ng mga indibidwal na bibisita sa mga yumao nilang kamag-anak kung saan may bumibisita rin sa mga puntod ng mga kilalang personalidad tulad ng mga dating presidente na sina Sergio Osmeña, Manuel Roxas at Ramon Magsaysay kabilang ang museleo ng yumaong mag-asawang sina Susan Roces at Fernando Poe Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden