MANILA, Philippines – Naghain ng kabi-kabilang reklamo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes, Maro 5 sa Office of the Ombudsman laban kay Bureau of Fire Protection (BFP) chief Dir. Jesus Fernandez sa umano’y korapsyon at bid rigging sa pagbili ng 132 ambulance units.
Ayon sa DILG, tumanggap umano si Fernandez ng kabuuang P14.7 milyon ng “SOP” mula sa dalawang magkaibang transaksyon kapalit ng pagpapabor sa ilang kontrata.
Pormal nang hiniling ng kagawaran sa Ombudsman na ilagay si Fernandez sa preventive suspension para makatulong sa integridad ng nagpapatuloy na imbestigasyon. RNT/JGC