Home NATIONWIDE Trillanes aminado, 2017 pa lang nakikipag-ugnayan na sa ICC sa kaso vs...

Trillanes aminado, 2017 pa lang nakikipag-ugnayan na sa ICC sa kaso vs FPRRD

173
0

MANILA, Philippines – Aminado si dating Senator Antonio Tillanes IV na simula pa noong 2017 siya nakikipag-ugnayan sa International Criminal Court o ICC para palakasin ang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kanyang pahayag nang tanungin kung siya rin ba ay malapit din na nakikipag-ugnayan ngayon at nakikipag-usap sa ICC tulad ng pag-amin ni Ombudsman Boying Remulla na nakipag-usap ito sa mga tauhan ng ICC.

“Si Ombudsman Remulla pwede niyang sabihin ano ang nakikita niya,” ayon kay Trillanes.

“Ako po hindi pwedeng sabihin ang mga detalye ng mga meeting… kung sino nakausap, saan, kailan, dahil ito ay maglalagay sa peligro nung mga involved na tao… ICC investigators man or mga testigo na nakausap. So, hindi ko pwedeng sabihin yan,” dagdag pa ng dating senador.

Giit ni Trillanes, hindi niya pwedeng sabihin kung ano yung mga detalye tulad ng mga pagpupulong, kung kailan at sino-sino ang kanyang nakakausap.

Si Tillanes ay naghain ng reklamo nitong Huwebes ng umaga, Marso 5 sa Department of Justice (DOJ) laban kina Atty. Levito Baligod, dating Congressman Mike Defensor, broadcaster Jay Sonza, dating NTF-Elcac spokesperson Lorraine Badoy at vlogger na si Cathy Binag kasama ang 18 ex-Marines. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here