Home NATIONWIDE DILG puspusan na sa paghahanap kay Wesley Guo

DILG puspusan na sa paghahanap kay Wesley Guo

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakikipag-ugnayan na ito sa kanyang counterparts mula sa ilang Southeast Asian countries para sa pagbabalik ng gambling executive Wesley Guo sa Pilipinas.

Nauna rito, sinabi ng abogado ni Wesley na nakikipag-usap ang kanilang kampo sa gobyerno para mapabilis ang pagsuko nito matapos na maaresto ang kanyang kapatid na si Bamban Mayor Alice Guo na sinibak sa puwesto.

“Inaayos na din namin yan,” ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. nang tanungin ukol sa pag-aresto kay Wesley.

“It came from him (Wesley). There are some people handling it,” aniya pa rin.

Tumanggi naman si Abalos na magbigay ng ms maraming detalye ukol sa pagbabalik ni Wesley sa Pilipinas subalit sinabi na nakikipag-ugnayan na ang DILG sa Indonesian police at iba pang international agencies.

“Ilang bansa din ang minonitor natin dito. We have to really use international agencies here,” ang sinabi ni Abalos.

“Maganda at solid ang ating relasyon sa ibang bansa lalo na sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations),” aniya pa rin sabay sabing “Maliit lang ang iniikutan niya, mahuhuli at mahuhuli siya.”

Maaari naman aniyang arestuhin ng mga awtoridad si Wesley base sa kanyang illegal departure mula sa Pilipinas, ayon kay Assistant Secretary Mico Clavano,tagapagsalita ni Department of Justice.

“Illegal exit is really the fastest way to get him back here,” ang sinabi ni Clavano.

“Kung law enforcement issue siya, ang process is extradition but that is a longer process and requires more resources,” anito.

“Just like Alice Guo, cases are already underway,” aniya pa rin.

Ginarantiya naman ng Kalihim na maaaresto nila si Wesley kahit pa ang bitbit lamang nila ay isang Senate contempt order dahil na rin sa hindi pa nakapagpapalabas ng warrant order ang korte laban kay Wesley.

“Puwede na yun,” aniya pa rin, tinukoy ang Senate order na i- detain si Wesley para sa makailang ulit na pagdedma sa multiple congressional inquiries.

“Give us an inch of anything that is legal and we will make the most out of this. We are working on our counterparts abroad to do this,” ang sinabi ni Abalos.

Napaulat na di umano’y nakitang umalis ng bansa sina Alice, Wesley at Shiela Guo nitong kalagitnaan ng Hulyo sa pamamagitan ng ‘multiple boat rides’ mula sa isang ‘unidentified location’ sa bansa patungong Sabah, bago pa bumiyahe sa Indonesia, Singapore at Malaysia.

Noong nakaraang linggo, naaresto si Shiela kasama si Ong sa Batam, Indonesia bago pa sumakay sa ferry pabalik ng Singapore, habang si Alice naman ay naaresto sa Jakarta.

Napaulat na huling nakita si Wesley na nagtangkang umalis ng bansa patungong Hong Kong, subalit hindi naman masabi kung saan ang eksaktong lokasyon nito.

“We are asking on Wesley, sumurrender ka na din… We would just make sure na walang papatay sa iyo,” ang sinabi ni Abalos.

Samantala, kapuwa naman sinabi ng DILG at DOJ na hindi pa nila maidetalye kung paano nakapuslit mula sa bansa na hindi na-detect ng anumang Immigration post sa bansa ang mag kapatid na Guo at Ong

Matatandaang, ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sisibakin niya ang mga opisyal na mapapatunayang responsable para sa kanilang pagtakas. Kris Jose