MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na agad magsagawa ng preemptive evacuation sa mga lugar na tatamaan ni Super Typhoon Nando.
“With Nando now stronger, LGUs must waste no time in moving families out of danger zones,” ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, na nagpaalala ring ipatupad agad ang evacuation, liquor ban, no-sail policy, at paghahanda ng evacuation centers.
Nagpaalala rin ang Department of Health sa publiko na sumunod sa safety protocols at tumawag sa 911 sa oras ng emergency. Ayon naman sa DSWD, naka-preposition na ang food packs at emergency kits, habang ₱88 milyon halaga ng supply at nakaalerto ring rescue at medical teams ang handa ng Office of Civil Defense.
Nasa Signal No. 2 na ang Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), bahagi ng Isabela, Apayao, silangang Kalinga, at hilagang Ilocos Norte. RNT