MANILA, Philippines – Nagkaroon ng tensyon sa paanan ng Ayala Bridge sa Maynila matapos sunugin ng mga ralyista ang gulong ng isang nakaparadang container van at isang motorsiklong NMAX sa kasagsagan ng September 21 protest rally.

Hindi bababa sa 20 kabataang nakasuot ng itim na t-shirt at facemask ang inaresto ng Manila Police District (MPD) matapos maghagis ng bato at bote. Ilan sa mga pulis, bagamat armado ng shield, ay tinamaan din.







