MANILA, Philippines- Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na mag-donate ng ‘hay, hair at coconut husks’ para mapigilan ang oil spill sa Bataan at kalapit-lugar.
Sa oil spill alert advisory ng DILG, sinabi ng DILG Bataan na “every contribution counts and will help in resolving this crisis quickly.’’
Ipinaliwanag ng DILG ang pangangailangan na gumamit ng ‘oil booms’ para mapigilan ang oil spill at gumamit ng skimmers para alisin ito sa tubig.
Dagdag pa na ang chemical dispersants ay makatutulong para tunawin ito sa natural na proseso.
Sa pagpapatupad ng clean-up drive, binigyang-diin ng DILG ang pangangailangan ng ‘coordinated efforts at swift action’ ng local government units (LGUs) at komunidad sa paglutas sa Bataan oil spill sa lalong madaling panahon.
Sinabi ng DILG na maaaring magbigay ang LGUs sa mga apektadong komunidad na kailangan na suporta gaya ng financial assistance at alternatibong kabuhayan para sa mga mangingisda at mga residente.
Sanhi ng kontaminadong hangin at tubig, sinabi ng DILG na ang kabuhayan ng mga mangingisda at tourism industry ng Bataan ay grabeng naapektuhan, dagdag pa ang banta sa health hazards na dala nito.
Tinuran pa ng DILG na ang masamang epekto ng oil spill sa marine life, kung saan ang malaking numero ng sea creatures ay namatay o nalason.
“Nasira din ang mga coral reefs at mangrove areas na mahalaga sa tirahan ng mga marine species,’’ ang paliwanag ng DILG. Kris Jose