Iniharap sa mga media ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang Russian-American content creator na si Vitaly Zdorovetskiy na nambastos ng ilang Filipino at ginawa pa nitong content habang bumibisita sa bansa.Nilinaw ni Sec. Remulla na hindi basta ipapadeport ng pamahalaan ang vlogger na idineklara nang ‘undesirable alien’ at nasa ilalim ng ‘restrictive custody’ ng Bureau of Immigration.Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng vlogger sa bansa. Habang nasa harap ng media ay patuloy ang ginagawa nitong pang-iinis at pang-aasar sa harap mismo ni DILG Sec. Remulla. VAL LEONARDO
MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na magpapasa siya ng courtesy resignation ngayong araw.
Ito ay kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng courtesy resignations ng lahat ng Cabinet secretary upang maisaayos ang administrasyon, kasunod ng halalan.
“I will submit mine later. I serve at the pleasure of the President,” sinabi ni Remulla.
Matatandaan na umupo sa pwesto bilang DILG secretary si Remulla noong Oktubre. RNT/JGC