Home NATIONWIDE Hontiveros bukas sa posibilidad ng pagtakbong presidente sa 2028 polls

Hontiveros bukas sa posibilidad ng pagtakbong presidente sa 2028 polls

114
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Risa Hontiveros ang posibilidad na tumakbo ito bilang presidente sa 2028 presidential elections.

“I’m not saying no. I’m open to all possibilities. At ‘yon yung hinihingi ko din sa lahat na mga kasama sa oposisyon or independent bloc na maging bukas kami sa lahat ng possibilities at sa isa’t isa, alang-alang sa oposisyon at alang-alang sa ating mga kababayan,” ani Hontiveros.

Gayunman, sinabi ng senador na nakatutok pa rin siya ngayon na pag-isahin ang kanyang mga kaalyado na sumuporta sa Akbayan, at kina senators-elect Francis Pangilinan at Bam Aquino.

“‘Yung natural competition about it naturally will come somewhere up the road pa. Pero ang priority ko sa ngayon, at sinasabi ko ‘yun sa lahat ng mga kasama at kaalyado, lalo na itong unang siyam na buwan after the election, pag-isahin talaga. Hamigin. I-consolidate to a greater degree than we were able to do after 2022. Mag-consolidate kami,” sinabi pa ni Hontiveros.

Sa paglahok nina Pangilinan at Aquino sa Senado, sinabi ni Hontiveros na ang mga ito ang magsisilbing “center of gravity that will serve as check and balance” at magiging tagasuri sa kapulungan.

Kahit na magkakaalyado ay sinabi ng senador na mayroon pa rin silang mga magkakaibang paninindigan sa iba’t ibang mga isyu.

“Kami lahat ng mga senador dito, we have our own decision-making process, we have our own pananaw. At nagrerespetuhan kami diyan kahit at lalo na sa loob ng tinatawag kong oposisyon…ang optimal senaryo ko ay magsama-sama kami either sa minority or sa independent bloc, sa loob at sa labas ng Senado,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi rin ni Hontiveros na nais nitong mapanatili sa kanya ang pamumuno sa Senate committee on women, children, family relations and gender equality sa 20th Congress. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here