Home ENTERTAINMENT Dina, kinuwestiyon ang ‘Nasa Itaas’ sa pagkamatay ng asawa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Dina, kinuwestiyon ang ‘Nasa Itaas’ sa pagkamatay ng asawa!January 16, 2025 14:52 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Napakalungkot na sasalubungin ni Dina Bonnevie ang kanyang kaarawan sa January 27.Tulad ng naiulat, abdominal aneurysm ang sanhi ng pagpanaw ni Agriculture Undersecretary Deogracias Victor o “DV” Savellano kamakailan lang.Napaglamayan pa ang nagsilbi rin dating Congressman sa isang distrito ng Ilocos Sur si Ginoong DV sa isang memorial chapel saCommonwealth, Quezon City.Hanggang ngayong araw, January 16 naman ang kanyang wake sa bayan nito sa Cabugao at kinabukasan ay ihahatid na sa kanyang huling hantungan doon.Bale mananatili si Dina sa kanilang bahay sa Cabugao hanggang sumapit ang kanyang kaarawan sa January 27.Aminado ang premyadong aktres na hindi raw niya alam kung paanong haharapin ang buhay ngayong wala na ang pinakamamahal na kabiyak.Aniya pa, DV’s life could have been spared kung meron lang daw espryalistang doktor ss ospital na pinagdalhan nito.DV was first rushed to the Diliman Hospital and was later transferred to the Makati Medical Center.Na-revive pa raw ito makaraan ng apat na beses mag-flat line, but he expired on the fifth.Dina wished DV were still alive dahil marami pa raw itong gustong tulungan.Kinuwestyon din ni Dina ang NasaItas na marami naman daw naglipanang masasamang tao ay bakit ang asawa pa niya ang kinuha Nito?Bale nagsisilbing pinaghuhugutan ngayon ng lakas ni Dina ay ang suporta at mga dasal ng pamilya’t mga kaibigan. Ronnie Carrasco III