MANILA, Philippines – Maaring umabot ng hanggang P755 bilyon ang mga resources ng Philippine Health Insurance Corporation, sinabi ng DEpartment of Health (DOH).
Sinabi ni Asec. Albert Domingo na kabilang sa resources ang P150 bilyon na surplus na pondo, P280 bilyong reserba at P203 bilyong direktang kontribusyon na kokolektahin ngayong 2025.
Ang iba pang pamagkukunan ay kabiang ang P80 bilyon hindi napondohang allotment, P21 bilyong unreleasesd appropriation na mula dapat sa PCSO at Pagcor na inaatas ng Universal Heathcare Law, at P21 bilyong sa investment income.
Idinagdag pa ni Domingo na ang PhilHealth ay mayroon pang P80.6 bilyong bayarin sa ibat-ibang ospital kabilang ang P21 bilyong “good claims” na ilalabas sa darating na buwan.
Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Department of Health na tiyakin ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mga benepisyo ng health insurer at sinabing ang zero government subsidy ng ahensya para sa taong ito ay hindi dapat makaapekto sa paghahatid ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
Sa bicameral conference committee noong nakarang buwan, inalis ng mga mambabatas ang subsidy ng gobyerno para sa Philippine Health Insiurance Corporation para sa 2025 national budget. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)