Home METRO Mga mangingisda sa Navotas binigyan ng bangka

Mga mangingisda sa Navotas binigyan ng bangka

PINANGUNAHAN nina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco kasama si BFAR-NCR Regional Director Noemi Lanzuela at iba pang opisyal ng lungsod ang pamamahagi ng NavoBangka sa mga rehistradong Navoteño fisherfolk bilang bahagi ng pagdiriwang ng 119th Navotas Day.

Umabot sa 22 pares ng mga mangingisda ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass banca na mayroong 16hp marine engine at underwater fittings.

Nasa 925 na rehistradong Navoteño fishing boat owners din ang nabigyan ng fishing nets.

Ang NavoBangka-buhayan ay programa ng pamahalaang lungsod, katuwang ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. JOJO RABULAN