Home METRO Ginang pinatahimik ng kapitbahay sa tsismis

Ginang pinatahimik ng kapitbahay sa tsismis

BACOLOD- PATAY ang isang ginang matapos barilin ng kanyang kapitbahay na mister makaraan pagbintangan ng huli ang una na ipinagkakalat nito ang tsismis na may iba itong babaeng karelasyon, iniulat kahapon sa probinsyang ito.

Hindi na umabot pang buhay ng idating sa ospital ang 51-anyos na biktima habang tugis naman ng pulisya ang suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Ayon sa pulisya, bago ang krimen isang taon nang may kinikimkim na galit ang suspek sa biktima dahil sa pagpapakalat umano nitong may siyang babaeng kinalolokohan habang ang kinakasama ng una ay nasa ibang bansa bilang isang OFW.

Dito, sinundan ng suspek ang biktima at pinagbabaril ito sa likurang bahagi saka mabilis na tumakas./Mary Anne Sapico