Home NATIONWIDE Hirit ni Yap na pag-isahin mga kaso ni Vic Sotto inisnab ng...

Hirit ni Yap na pag-isahin mga kaso ni Vic Sotto inisnab ng korte

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch (RTC) 205 ang mosyon ng director na si Darryl Yap na pagsamahin na lamang ang dalawang kaso na isinampa ng TV host at aktor na si Vic Sotto kaugnay sa kontrobersyal na pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Idinismis ni Presiding Judge Liezel Aquiatan na salat sa merito ang mosyon ni Yap.

Sinabi ng korte na ang petition for writ of habeas data at ang cyber libel complaint ay magkaiba sa lahat ng aspeto.

“Hence, consolidation is appropriate only where actions share a common legal or factual issue and are pending before the same forum. Here, the petition and the criminal complaint are pending before distinct forums and are governed by separate procedural frameworks. Thus, consolidation is legally impermissible,” nakasaad sa desisyon.

Sinabi ng korte na kahit ang dalawang kaso ay may kaparehong factual circumstances, magkakaina pa rin ang mga legal issues kung kaya dapat magkahiwalay itong dinggin.

Kasabay nito, iniutos ni Aquiatan na matuloy sa Jan 17 ang summary hearing sa petition for writ of habeas data na isinampa ni Sotto laban kay Yap.

Enero 9 nang maghain si Sotto ng P35-million cyber libel complaint laban kay Yap bunsod ng naging teaser ng pelikula kung saan nabanggit ang kanyang pangalan.

Naghain din si Sotto ng petition for writ of habeas data laban kay Yap na humihiling na matangal ang teaser video at promotional materials ng pelikula na nagbabanggit ng kanyang pangalan. Teresa Tavares