Home NATIONWIDE Pinas pumalag sa pagpaslang ng Slovenian sa asawang Pinay

Pinas pumalag sa pagpaslang ng Slovenian sa asawang Pinay

MANILA, Philippines – MARIING kinondena ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagpaslang kay Marvil Facturan-Kocjančič ng kanyang mismong asawang Slovenian habang nagbabakasyon ang mga ito sa Bled Slovenia noong December 29, 2024.

Ang asawa ni Marvil na kinilalang si Mitja Kocjančič ang itinuturong pangunahing suspek sa krimen.

“The Philippine Government condemns the tragic incident that caused the demise of a Filipino citizen in Slovenia, and expresses its heartfelt condolences to the bereaved family here in the Philippines,” ang sinabi ng DFA sa isang kalatas.

Sinabi pa rin ng DFA na na nagtutulungan na ang Philippine Embassy sa Vienna at iba pang kaugnay na ahensiya sa Slovenian authorities para sa agarang repatriation o pagpapauwi sa bansa ng mga labi ni Marvil.

“The shipment, will be carried out upon completion of requisite forensic processes,” ayon sa departamento.

Nauna rito, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega na ang repatriation sa mga labi ni Marvil ay mangyayari ngayong linggo o sa susunod na linggo. Kris Jose