Home ENTERTAINMENT Pops at Anabelle, nalungkot sa pag-atras ni Chavit!

Pops at Anabelle, nalungkot sa pag-atras ni Chavit!

Si Manong Chavit Singson ay dumalo sa Philippine Rural Electric Cooperatives Association sa Manila Hotel, na nagbabahagi ng kanyang pananaw para sa hinaharap na may mga libreng economic zone, accessible banking sa pamamagitan ng VBank, at eco-friendly transport solutions para sa mga Pilipino. (Cesar Morales)

Manila, Philippines- Kalusugan pa rin ang pinakamahalaga more than anyone’s political ambition.

Ito ang napagtanto mismo ni dating llocos Sur governor Luis “Chavit” Singson who already chickened out of the senatorial race.

Sayang, asang-asa pa naman ang mga nagsidalo ng launch ng kanyang VBank, isang online banking app, kamakailan.

Buong akala ng mga attendees sa SM MOA na may kinalaman ‘yon sa kandidatura ni Chavit.

Kabilang sa mga umasang Chavit would pursue his senatorial dream ay sina Pops Fernandez at Annabelle Rama.

Kapwa naroon sa event ang dalawa.

Doon na nga inanunsyo ni Chavit that he’s no longer running.

Health reasons ang kanyang ibinigay, pero hindi na siya nag-elaborate pa.

Advice na rin daw ‘yon ng doktor na tumututok sa kanya.

Kaagad namang nagpahayag ng kalungkutan si Annabelle.

Aniya, buong Gutierrez family pa mandin ay si Chavit ang susuportahan kung paanong all-out din ang support nito noon kay Manny Pacquiao who ran but lost as President.

But at the same time, suportado nila si Manong sa priority nito na asikasuhin ang kanyang health condition.

Same with Pops na masaya na rin daw kahit paano para makapagpahinga si Chavit.

Both Pops and Annabelle agree na very stressful ang pangangampanya lalo’t pambansang puwesto ang tinatakbuhan ni Chavit.

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kumumbinsi kay Chavit na tumakbong senador. Ronnie Carrasco III