MANILA, Philippines – Magsasagawa ng Weekly Holy Hour for Peace ang Diocese of Antipolo para sa special intention of peace sa gitna ng nagpapatuloy a tensyon sa Middle East.
Sa pastoral letter na may petsang June 24, inimbitahan ni Bishop Ruperto Santos ang mga kaparian, religious communities at lay faithful na makiisa sa Holy Hour for Peace na gaganapin tuwing Huwebes simula June 26, 2025.
Nagpahayag ng pag-aalala ang Obispo sa kasalukuyang kaganapan sa mundo partikular sa Middle East kung saan ang mga inosenteng sibilyan ay labis na naapektuhan.
Naniniwala si Santos na ang pagkakaisa ng Christian community sa panalangin ay isang mahalagang hakbang upang mahipo ang puso lalo na sa mga lider ng mga bansang may hidwaan na magkaroon ng kasunduan sa pamamagitan ng dayalogo na magkaroon ng kapatawaran para sa kapayapaan.
Nauna nang nanawagan si Pope leo XIV para isulong ang mahinahong dayalogo sa pagitan ng Israel at Iran upang maresolba ang anumang hindi pagkakaintindihan at katuwang na isulong ang kapayapaan at pagkakaisa. Jocelyn Tabangcura-Domenden