Home NATIONWIDE May-ari ng SUV na 307 beses dumaan sa EDSA bus lane ipinatawag...

May-ari ng SUV na 307 beses dumaan sa EDSA bus lane ipinatawag ng LTO

249
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ang Land Transportation Office (LTO) ng show-cause order (SCO) sa registered owner ng sport utility vehicle (SUV) na illegal na gumamit ng EDSA busway nang mahigit 300 beses mula 2022.

Ayon kay LTO chief and Transportation Assistant Secretary Vigor Mendoza II, inisyu ang alarma sa Mitsubishi Montero Sport, na pagmamay-ari ng isang residente ng Quezon City.

Sa naturang alarm ay maiiwasan ang anumang transaksyon sangkot ang SUV habang ang kaso ay ‘under investigation.’

Isinulong ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes sa LTO ang patungkol sa SUV matapos makuhanan ng MMDA close-circuit television cameras ang sasakyan na 307 beses gumamit ng bus lane sa pagitan ng Agosto 12, 2022 at Hunyo 20, 2025.

Sa beripikasyong isinagawa ng LTO, nakita na ang SUV ay huling nairehistro noong Agosto 2022.

Ani Mendoza, inatasan na nila ang may-ari ng SUV na magpasa ng reply sa SCO at dumalo sa pagdinig na itinakda sa LTO central office sa Hunyo 26. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here