Home NATIONWIDE Diokno sa politiko at DPWH officials na pinangalanan ng Discayas: SALN ilantad,...

Diokno sa politiko at DPWH officials na pinangalanan ng Discayas: SALN ilantad, bank secrecy i-waive

275
0

MANILA, Philippines – Hinamon ni Akbayan Rep. Chel Diokno nitong Lunes sa mga mambabatas at opisyal ng Department of Public Works and Highways na idinadawit ng mag-asawang kontratista na sina Pacifico “Curlee” at Cezarah “Sarah” Discaya na ilantad ang kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at lumagda ng waiver sa bank secrecy.

“Sa mga pagbubunyag nitong umaga sa Senado, hinahamon natin ang lahat ng nadawit—mga tauhan at opisyal ng DPWH, pati na rin ang ilang mambabatas—na ipakita ang kanilang SALN at lumagda ng waiver sa bank secrecy para sa ganap na transparency,” ani Diokno.

Hinikayat din niya ang iba pang kontratista at opisyal na isiwalat ang kanilang nalalaman sa mga iregularidad.

Aniya, mahalaga ang pagbubunyag ng SALN at pag-waive ng bank secrecy para sa seryosong laban kontra korapsyon.

“Dapat mapanagot ang mga nasa likod nito, pati na ang kanilang mga kasabwat. Hindi tayo papayag na may makakalusot,” dagdag pa niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here