Home METRO Strawberry farms lunod sa baha; tulong ni PBBM inihirit

Strawberry farms lunod sa baha; tulong ni PBBM inihirit

253
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang pamahalaang bayan ng La Trinidad, Benguet kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang tugunan ang lumalalang pagbaha sa bayan na iniuugnay ng mga opisyal sa depektibong flood control project.

Ayon kay Mayor Roderick Awingan, pinagtibay ng municipal council ang Resolution 266-2025 na humihiling na isama sa audit ng DPWH ang Phase III ng Bolo Creek Flood Control Project.

Aniya, palaging lumulubog ang mga sakahan at kabahayan tuwing malakas ang ulan, partikular na ang strawberry farms na nagbabantang makapinsala hindi lamang sa kabuhayan ng mga magsasaka kundi pati sa turismo ng bayan.

Hindi sapat ang mga lokal na hakbang gaya ng pagkukumpuni at dredging ng mga kanal, dahil ayon sa municipal engineering office, ang drainage sa bahagi ng Bolo Creek at Balili River ay masyadong makitid kaya nagiging sanhi ng pagbaha.

“Something has to be done, lest the livelihood and the primary tourist attraction of La Trinidad will also go underwater,” babala ni Awingan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here