Home NATIONWIDE Diokno sa Senado: Mga hukom ‘di pwedeng mag-mosyon

Diokno sa Senado: Mga hukom ‘di pwedeng mag-mosyon

MANILA, Philippines- Nagpaalala si human rights lawyer Chel Diokno na ang mga hukom/judges ay hindi pinapayagang gumawa ng mosyon sa isang court setup- tumatanggap lamang ang mga ito- matapos na ibalik ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte makaraang magmosyon ang isang senator-judge.

Matatandaan na nitong Martes ng gabi, Hunyo 10, bumoto ang 18 senator-judges pabor sa mosyon ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano, na ipinapabalik sa Kamara ang articles of impeachment.

“First of all, there is an issue there. Can a judge file a motion? The Senate is no longer sitting as a lawmaking body; they are sitting as senator-judges. The one that should file motions is the parties, but the parties have not been summoned yet as of now,” sinabi ni Diokno.

“If the motion, for example, comes from the defense, they should hear that. But why did it come from a member of the court? That is not in the rules that they approved,” dagdag pa niya.

Ipinagtataka ni Diokno kung bakit inaksyunan ng Senado — na nag-convene na bilang isang impeachment court— ang mosyon.

“The repercussion there is that it was allowed, and should the Senate, as an impeachment court, have acted on the motion? Maybe our senators are thinking as lawmakers, they should be reminded that they are already senator-judges, they took an oath,” paliwanag pa ni Diokno.

Sa ilalim ng Philippine judicial system, ang prosekusyon at depensa ay pinapayagang maghain ng iba’t ibang mosyon para pagdesisyunan ng korte.

Sa kabila nito, ang mga korte, husgado at hukom, ay hindi nag-iisyu ng mosyon; sa halip ay tumutugon lamang sila sa mga mosyon sa pamamagitan ng resolusyon at kautusan.

Matatandaan na ang desisyon na ibalik ang articles of impeachment ay nag-ugat sa mosyon ni Senator-Judge Ronald dela Rosa, na inamyendahan naman ni Senator-Judge Cayetano.

Tanging limang miyembro lamang ng 23-member impeachment court ang tumutol sa mosyon. RNT/JGC