Home ENTERTAINMENT Chiz, binanatan ni Romnick, binansagang ‘Sen. Kilay’!

Chiz, binanatan ni Romnick, binansagang ‘Sen. Kilay’!

243
0

Manila, Philippines – Kilala si Romnick Sarmenta na maopinyon pagdating sa kalagayan ng bansa.

In fainess, Romnick raises valid points na ikinabibilib sa kanya ng mga netizens.

Ang huling binakbakan ng dating matinee idol ay si Senate President Chiz Escudero.

May kinalaman ito sa tila pande-delay nito sa pagsisimula ng impeacment trial kay VP Sara Duterte sa Senado.

Sa X (dating Twitter), nakatikim ang mister ni Heart Evangelista ng batikos mula kay Romnick.

Aniya, alam daw ba ni Chiz ang tungkulin niya bilang Senate President?

Nagbabasa daw ba ito ng Saligang Batas?

Inuuna rin ba nito ang kapakanan ng mga mamamayan?

Hayun, pati kilay ni Chiz ay hindi nakaligtas sa mga netizen!

“Sen. Kilay” nga ang tawag sa kanya, na si Heart lang ang mukhang gandang-ganda sa hikaw nito!

Maging si Heart ay naba-bash na rin dahil kay Chiz na mas bagay daw bodyguard nito sa mga fashion week kesa Senate President.

Maging ang Senator-elect na si Tito Sotto ay binanatan din si Chiz.

Kahit ang mga reputable na unibersidad sa bansa ay may panawagan tungkol sa

impeachment trial na dapat ituloy! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here